Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo at LPG, kasado na bukas

Matapos ang limang linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo – simula bukas ay magpapatupad naman ang mga oil companies ng dagdag-bawas.

Sa abiso, mayroong P0.60 na rollback sa kada litro ng diesel; habang P0.75 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.

Sa gasolina, mayroon namang ipatutupad na umento na nagkakahalaga ng P0.75 kada litro.

Ipatutupad ang adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas SHELL, Petro Gazz, at SEAOIL habang alas-otso naman ng umaga sa CleanFuel; at hatinggabi sa Eastern Petroleum.

Asahan namang mag-aanunsyo ng adjustment ngayong araw ang iba pang mga oil companies.

Samantala, nag-anunsyo naman ang Petron ng rollback sa liquefied petroleum gas o LPG.

Sa abiso, magbabawas ng P2.05 sa kada kilo ng LPG epektibo bukas, alas-dose ng madaling araw.

Ang Eastern EC Gas naman ay mayroon ding rollback na P18.70 sa kada 11 kilogams, o katumbas ng P1.70 rollback kada litro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *