Dalawang bagong kaso ng COVID- 19 sa Capalonga close contact ng naunang kaso

CAPALONGA CAMARINES NORTE – Nakapagtala na naman ng mataas na kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health nitong Lunes.

Nasa 15 bagong kaso ang naitala o 13. 89% ng kabuuang naitala sa buong rehiyon.

Dalawa naman sa 15 bagong kaso ay mula sa bayan ng Capalonga.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang mga bagong tinamaan ng sakit ay mga senior citizen at close contact ng naunang kaso.

Si Bicol No 9795 ay isang 72 anyos na lalake at isang magsasaka habang si Bicol No 9796 ay isa namang housewife mula sa Brgy. Itok.

Kapwa walang nararamdamang sintomas ang dalawa na ngayon ay sumasailalim na sa quarantine.

Dahil sa pagkakaroon ng mga bagong tinamaan ng sakit, nadagdagan muli ang aktibong kaso sa naturang bayan.

Kamakailan lang ay iniulat ng LGU ang pagkakarekober ng 16 na katao na nagkasakit noong Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *