Dalawang senior citizen tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala na naman muli ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa Municipal Health Office kapwa senior citizen ang tinamaan ng sakit.

Si Bicol No 66008 ay isang 68 anyos na babae na taga Barangay Del Rosario.

Wala itong travel history at hindi batid kung paanong nahawa ng sakit pero mayroon itong comorbidity.

December 14 nang makaranas ng panghihina ang pasyente kaya nagpakunsulta sa doktor at isinailalim sa RT- PCR test.

Lumabas ang resulta ng RT- PCR test na positibo ito sa sakit noong December 17.

Ang isa pang tinamaan ng COVID- 19 ay si Bicol No 66013 na isang 76 anyos na lalaki sa kaparehong barangay.

Nagpakunsulta ito sa doktor makaraang makaranasa ng hirap sa paghinga noong December 16.

Isinailalim sa RT- PCR test at lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit noon ding December 17.

Dahil dito umabot na sa kabuuang 207 ang COVID cases sa naturang bayan simula noong 2020 at 22 naman ang nasawi dahil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *