Datos ng mga nabakunahan laban sa measles, rubella at oral polio sa Supplemental Immunization Activity, inilatag na ng DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inilatag na ng Department of Health (DOH) Bicol ang kanilang datos tungkol sa mga nabakunahan sa nagpapatuloy na Supplemental Immunization Activity laban sa measles, rubella at oral polio vaccine sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOH Bicol National Immunization Program Regional Nurse Coordinator, Twinkle Lorilla, sinabi nito na umabot na sa mahigit 47,000 ang mga nabakunahan laban sa measles-rubella.

Sa kaparehong datos, nasa mahigit 39,000 naman ang mga binakunahan na para sa oral polio vaccine.

Ayon kay Lorilla, sa aktibidad na ito target nilang mabakunahan ang nasa mahigit 600,000 na mga bata laban sa measles rubella, samantalang ang target naman para sa oral polio vaccine ay nasa mahigit 700,000.

Aniya, ang datos na ito ay batay sa ulat ng regional office dahil ang kabuuang datos umano ay mula sa central office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *