Death toll makaraang tumama ang migrant boat sa isang malaking bato malapit sa Italy, posibleng tumaas pa

Posibleng tumaas pa ang death toll makaraang tumama ang isang migrant boat sa isang malaking bato malapit sa Italy.

Nangangamba ang mga awtoridad na maaaring umabot pa sa 100 ang bilang ng mga nasawi matapos sabihin ng ilang survivors na may 200 na mga pasahero ang bangka nang umalis ito mula sa Turkey.

Hind bababa sa 60 katao na ang nasawi at dose-dosena pa ang nawawala.

Nawasak ang nasabing bangka nang tumama sa malaking bato nang dahil sa masamang timpla ng panahon.

Himalang nakaligtas sa nasabing trahedya ang 81 katao at 20 sa mga ito ay nagpapagaling na sa ospital.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *