Death toll sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria sumampa na sa mahigit 41,000

Sumampa na sa mahigit 41,732 ang kumpirmadong patay sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Ayon sa official report, nasa 38,044 ang patay sa Turkey habang 3,688 naman sa Syria.

Bagamat mayroong mag-inang na-rescue mula sa isang guho, aminado naman ang mga rescuers na unti-unti nang bumababa ang kanilang pag-asa na marami pa silang makukuhang mga survivors mula sa February 6 quake.

Una dito ay nagsuspende ang Turkey ng kanilang rescue operations sa ilang rehiyon gayundin ang Syria.

Samantala, dahil sa pinakahuling death toll, kinumpirma ng Turkish government na ito na ang deadliest natural disaster na tumama sa kanila matapos ang Ottoman history.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *