DepEd: walang insidente ng hacking sa mga regional offices

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang naitalang insidente ng hacking sa kanilang regional offices sa kabila ng naiulat na data breach sa sistema nito.

Gayunpaman, sinabi ni DepEd Deputy Spokesperson Asec. Francis Bringas na patuloy pa rin ang kanilang pagsusuri sa mga paaralan at division offices tungkol sa umano’y info leak.

Ito ay matapos kumalat ang isang facebook post na napasok umano ng hacker ang isa sa mga tanggapan ng DepEd at nakakuha ng mahigit 750 Gigabytes na data na naglalaman ng sensitibong impormasyon ng mga mag-aaral at guro.

Kaugnay nito, nakipagtulungan na rin ang ahensya sa Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *