Direktiba ng palasyo sa panukalang merger ng LBP-DBP, hindi sapat – Lagman

Iginiit ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman , na ang panukalang pagsasanib ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagkilos ng kongreso.

Pahayag ito ng Independent minority congressman kahapon, sa gitna ng mga bulung-bulungan na ang isang direktiba lamang mula sa Malacañang sa pamamagitan ng executive order ay sapat na upang mangyari ang merger.

Iginiiit ni Lagman, na ang Kongreso lamang ang maaaring mag-amyenda o magpawalang-bisa sa mga batas.

Hindi rin aniya maaaring legal itong maipatupad sa pamamagitan lamang ng executive order.

Matatandaang ang merger ng LBP at DBP ay isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *