Disney Fan napuntahan na ang lahat ng Disneyland theme parks sa buong mundo, sa loob lamang ng 12 araw

DISNEYLANDS sa buong mundo napuntahan na lahat ng isang avid Disney fan na si Nathan Firesheets sa loob lamang ng 12 araw kung saan sinimulan niya ang kanyang byahe patungo sa Disneyland sa Paris at nagtapos ito sa Magic Kingdom sa Florida.

Ayon kay Nathan, noong bata palang siya iisa lang naman talaga ang pangarap niya yun ay ang makapunta sa pinakaunang Disneyland sa Anaheim, California kaya ganun na lamang ang pagkagalak ni Nathan na hindi lang isa kundi lahat pa nga ng Disney theme parks sa buong mundo ay nabisita at napuntahan niya.

Samantala tinawag naman niya itong “The Disney Global Ride Challenge” kung saan nasa 12 na mga Disney theme parks ang nabisita ni Nathan at 216 rides naman ang kanyang nasakayan mula sa ibat-ibang Disney theme parks sa buong mundo, ilan sa mga ito ay ang kilalang Hongkong Disneyland, Walt Disney Studios, Animal Kingdom at Hollywood Studios.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *