DOST, target simulan sa susunod na buwan ang COVID-19 mixed vaccine clinical trial

Target ng Department of Science and Technology (DOST) na simulan ang clinical trial sa paghahalo-halo ng iba’t-ibang brands ng COVID-19 vaccines sa susunod na buwan.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, tututukan ng ahensya ang kanilang aplikasyon para sa clearance mula sa Food and Drug Administration at kukuha ng clearance mula sa Ethics Review Board.

Dagdag ni Guevarra, ang trial ay kinabibilangan ng 3,000 participants na may edad 18 pataas, habang limang COVID-19 vaccine brands ang gagamitin na kinabibilangan ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, at Sputnik V.

Pagbabahagi pa nito, 12 eksperimento ang gagawin sa naturang trial, na dadaluhan ng tig-250 participants, na magmumula sa priority groups na A1 hanggang A4 sa ilalim ng vaccination program. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *