DOT: nakakuha ang Pilipinas ng dalawang nominasyon sa 2023 World Travel Awards

Inanunsyo ng  Department of Tourism (DOT) na nominado ang dalawa sa mga leading destinations ng bansa na Intramuros at Cebu sa 30th World Travel Awards (WTA).

Kaugnay nito, ang Cebu ay nominated bilang Asia’s Leading Wedding Destination, habang ang Intramuros, ay muling nominado para sa Asia’s Leading Tourist Attraction, matapos manalo sa parehong titulo noong nakaraang taon.

Ang bansa ay muling tumatakbo ngayong taon para sa Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Beach Destination titles na parehong awards na nakuha ng bansa noong 2022.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na naturang nominasyon ay malinaw na nagpapakita sa lumalaking global travel demand sa bansa, na isa sa mga target ng gobyerno sa mga susunod na araw, sa pamamagitan ng mga inisyatibo na kanilang inilatag para sa pagrekober ng industriya ng turismo at transformation post pandemic. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *