DOTr, planong magtayo ng bagong airport sa Masbate

SORSOGON CITY – Isa ang lalawigan ng Masbate sa pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) na pagtayuan ng bagong paliparan sa Southern Philippines.

Ang Moises R. Espinosa Airport o kilala rin sa tawag na Masbate Airport ay isang domestic airport na nagsisilbi sa pangkalahatang lugar ng lalawigan ng Masbate at matatagpuan sa loob ng Masbate City.

Ang paliparan ay classified bilang Class 2 principal (minor domestic) airport ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sumailalim ito sa pagsasaayos ng runway at terminal building sa pagitan ng taong 2006 at 2008.

Maliban sa Masbate, plano din ng kagawaran na itayo ang airport sa Zamboanga, Dumaguete at Bukidnon ayon kay Transportation Undersecretary for Planning and Project Development Timothy John Batan.

Ayon sa opisyal, maliban sa mga bagong airport ay tututok  din sila sa konstruksyon ng New Manila International Airport sa Bulacan at pagdevelop pa ng Sangley Airport bilang isang international gateway, kung saan ang panukala ay mula mismo sa panukala ng Cavite provincial government.

Ang mga bagong paliparan ay magbibigay daan sa mas ligtas at mas malawak na airport upang ma-accomodate ang mas maraming biyahe at mga pasahero.

Dagdag pa ni Batan na paghuhusayin pa ng kanilang Kagawaran ang passenger experience sa mga kasalukuyang airport sa bansa na gamit ang makabagong teknolohiya gaya ng biometrics at self- check-in kiosks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.