Driver ng tricycle patay sa aksidente sa Tinambac

NAGA CITY- Patay ang driver ng tricycle habang apat ang sugatan matapos na mabangga ang minamaneho sa Tinambac , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas 10:45 ng umaga itong Marso 22, 2023 sa Barangay Bagacay.

Ayon kay PMaj. Michael Vincent Fortunado , OIC Chief of Police , binabaybay ang nasabing lugar ng Honda BR-V na dala ni  Jan Aldwin Baldovino, 24 –anyos ng Brgy. Concepcion Grande, Naga City sakay ang anim katao na mga residente ng Naga at isang taga Canaman mga edad 20 hanggang 26-anyos. Patungo na sila sa direksyon ng daan ng Calabanga nang makain ang kabilang linya at nabangga ang tricycle na dala ni Orly Oliveros y Aripaypay, 47-anyos ng Barangay Buyo, Tinambac, lulan nito ang tatlo katao kasama ang anim na buwan gulang na babaeng sanggol at isang senior citizen.

Sugatan ang mga sakay ng tricycle habang isa sa sugatan sa sakay ng nakasalubong na sakyan. Ang mga ito ay dinala sa ospital. Dead on arrival naman si Oliveros.

Sinabi rin sa BNFM Naga ng hepe na, sa salaysay ng driver na si Baldovino, galing sila sa swimming kahapon, mabigla siya sa kurbada dahil may nakaparada, kaya naman biglaan ang liko o “kabig” ng manebela daan upang mabangga ang kasalubong na tricycle.

Sinampahan na ng kaso ang driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *