DSWD chief Tulfo, pinagalitan ang limang mga empleyado na hindi sumagot sa DSWD hotline

Pinagalitan ni Department of Social Welfare and Development Secretary (DSWD) Erwin Tulfo, ang limang mga empelyado nito na hindi sumasagot sa hotline calls sa ahensya.

Ayon kay Tulfo, nabigyan na ng babala ang naturang mga empleyado na nakatalaga sa hotline center.

Una nito, may dalawang iba pang empleyado ang nirelieve ng DSWD chief, kung saan isa ang naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang isa naman sa satellite office sa Tagbilaran City, Bohol—dahil sa kanilang rude conduct sa trabaho.

Ang empleyado sa NAIA ay tinanggal mula sa kanyang pwesto, at binigyan ng warning para sa kanilang hakbang tungo sa isang bagong dating na nanay at menor de edad mula sa ibang bansa.

Giit ng kalihim, ang naging asal ng empleyado ay hindi alinsunod sa health standards ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa pag-assist sa isang nanay at bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *