DSWD nagbabala sa mga 4ps beneficiaries vs pagsasangla ng cash card

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na mamadaliin nila ang pagproseso sa P7.6-billion na pondo para sa targeted cash transfer program.

Ayon kay Gatchalian dadaan lamang ito ng proseso sa kanilang opisina bago tuluyang maipamahagi sa mga benipisaryo.

Bagama’t hindi umano niya masabi kung kailan posibleng pumasok ito sa account ng mga benificiaries, sinisiguro niyang hindi na ito magtatagal sa DSWD.

Kasabay nito nagbabala naman ang kalihim sa mga benipisaryo na isinasanla ang mga ATM cards bago pa makuha ang ayuda mula sa pamahalaan.

Binigyang-diin ni Gatchalian na posibleng tanggalin sa listahan ang mga 4Ps benificiaries na lumalabag sa panuntunan ng programa. // LB edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *