DTI 12, coconut MSMEs nagsagawa ng learning visit sa Surigao

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA ang Department of Trade and Industry o DTI region 12 ng learning visit sa Hinatuan, Surigao Del Sur kamakailan lamang upang makakuha ng dagdag na mga impormasyon at kaalaman kaugnay sa industriya ng niyog na maaaring gamitin nga mga to sa pagpapaunlad sa coconut production ng mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs sa Soccsksargen.

Isa sa binisita ng DTI 12 kasama ang 20 mga MSMEs ay ang Amparitas Integrated Natural Farm na nag-ooperate ng integrated business mula sa production hanggang sa processing ng coconut food at non-food products na may zero waste management practices.

Sa naturang learning visit, nabigyan ng oportunidad ang mga partisipante na makita ang production plans ng Amparitas at masaksihan ang production process ng coconut sugar, virgin coconut oil, coco twines, coco coir, at geonets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *