DTI-Catanduanes pormal nang inilunsad ang programang “Tiendas sa Isla” nitong nakaraang weekend

BICOL—Sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 crisis, at pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa islang lalawigan ng Catanduanes, pormal nang binuksan nitong weekend ang programang “Tiendas Sa Isla: A Summer Trade Fair Amidst Pandemic.”

Ang naturang programa ay inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI-Catanduanes na may layuning maipakilala ang mga lokal na produkto sa islang probinsiya.

Tampok sa nasabing trade fair ang mga locally made products katulad ng mga dessert o panghimagas, handicrafts, mga lutong ulam, mga gulay na inani mismo ng mga magsasaka sa isla at marami pang iba.

Nakilahok sa naturang trade fair ang 30 piling exhibitors na nais ring maipakilala ang kanilang locally made products.

Samantala, nanawagan naman ang DTI sa publiko na suportahan at tangkilikin ang mga homegrown products sa kanilang probinsiya habang siniguro naman nito na nasusunod pa rin ng maayos ng mga bumibisita at manininda ang mga ipinatutupad na health and safety protocols.

Bukas ang trade fair tuwing Sabado at Linggo, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:30 ng gabi na matatagpuan sa loob ng Virac Town Center. Magtatagal naman ang operasyon nito hanggang sa katapusan ng Mayo.##

Photo Courtesy: Virac Town Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *