Duque pabor na ibalik ang paggamit ng face shield dahil sa bagong COVID-19 variant

Pabor si Health Secretary Francisco Duque na gumamit muli ng face shield ang mga tao bilang dagdag na proteksyon.

Ito ay sa gitna ng pangamba sa bagong variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa South Africa.

Sinabi ni Duque na wala namang masama kung gagamit muli ng face shield ang mga tao lalo na sa mga kulob na lugar at maging sa mga public transportation dahil sa pagdidikit-dikit ng mga tao.

Ipinaliwanag ni Duque na dapat matuto na sa nangyari sa Europa kung saan ay tumaas ang kaso ng COVID-19 matapos silang nagluwag sa mga restrictions gaya ng pagtanggal sa facemask at face shield Nanawagan din ang

Kalihim na huwag madaliin ang pagluluwag sa mga restrictions sa bansa upang hindi masayang ang mga napagtagumpayan na ng bansa.

Kinumpirma ni Duque na inirekomenda na ng IATF na baka kailangan nang ilagay sa yellow list ang Hong Kong dahil sa bagong variant makaraang mayroong maitalang kaso doon.

Samantala, tiniyak ni Duque na patuloy ang pagsisikap nilang maitaas ang vaccination rate sa mga lalawigan na mababa ang vaccinate coverage lalo pa at sapat na ang suplay ng bakuna maliban lamang sa kakulangan ng syringe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *