Duque: Stealth Omicron, nadetect sa 75% ng samples na sinuri ng PGC

Nadetect ng Philippine Genome Center ang BA.2 o ang Stealth Omicron, na sub-lineage ng mas nakakahawang Omicron coronavirus variant sa 75% ng kanilang COVID-19 samples na senequence.

Pero ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang BA.2 ay nagdudulot lang ng mild symptoms sa COVID-19 patient, gaya ng BA.1, na isang sub-lineage ng Omicron.

Kinumpirma naman ni Duque na ang BA.2 ay kasalukuyang predominant variant sa National Capital Region at iba pang rehiyon dahil sa tumataas na kaso.

Samantala, ang BA.1 naman ay predominant sa mga returning overseas Filipinos, at nakita rin sa Region 5.

Sinabi ng kalihim na bumaba na ang Delta variant, at napalitan ng isa pang COVID-19 variant. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *