Duterte, muling pinalutang ang posibilidad na pagtakbo sa VP race, pero…

Muling pinalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na pagtakbo sa vice presidential race sa 2022 national elections.

Sa gitna nito, wala nang ipinangako si Duterte sa halip ay sinabi lang na tutugunan ang kasalukuyang paghihirap at lungkot ng mga Pilipino.

Sa taped meeting ni Duterte sa mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban na inilabas noong Miyerkules, muling ipresenta ni PDP-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi ang resolusyon ng partido na naghihimok kay Duterte na tumakbo pagka-bise presidente.

Bilang tugon, sinabi ni Duterte na “touched” umano siya sa sentimyento na ipinarating ng mga miyembro ng PDP-Laban.

Una nito, noong nakaraang linggo na palutangin rin ni Duterte ang posibilidad na maging vice-presidential candidate para mapanatili umano ang “equilibrium.”// MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.