Duterte, naniniwalang patay na ang mga nawawalang sabungero

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga nawawalang sabungero ay patay na, na kahit umano ang mga otoridad ay hindi nakapagbibigay ng updates sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Sa kanyang talumpati sa isang event sa Leyte, senegundahan ng pangulo ang anggulo ng mga pulis na dinukot ang naturang mga sabungero dahil sa game-fixing.

Mababatid na nasa mahigit 30 katao na konektado sa e-sabong activities, ang nawawala simula noong April 2021, na tinukoy bilang mga players, “master agents” o recruiters, at drivers.

Samantala, binigyang diin naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng public order and dangerous drugs committee, na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa naturang kaso, na ang mga missing ay “presumed dead” lang, dahil wala pa namang bangkay na narerekober. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *