EJ Obiena,nasungkit ang gold sa athletics indoor season sa France

Nasungkit ng Filipino pole vault star na si Ernest John Obiena ang kanyang unang panalo sa athletics indoor season nang manalo sa Perche En Or sa Roubaix, France kahapon.

Si Obiena na rank no. 3 sa mundo, ay nakuha ang 5.82 meters title kung saan pumangalawa ang China na si Yao Jie sa 5.75m at si Ethan Cormont ay pumangatlo sa 5.65m sa World Athletics Indoor Tour Challenger subgroup.

Matatandaang binuksan ni Obiena ang kanyang indoor season na may silver medal sa International Springer Meeting sa Cottbus, Germany noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga indoor meeting kung saan maaaring lumahok ang 27-anyos na si Obiena ay ang Orlen Copernicus Cup sa Torunm sa Poland sa February 8 at ang Meeting Hauts-de-France Pas-de-Calais sa Lievin, France sa Feb 15.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *