Erwin Tulfo, ibinahaging may limitasyon sa kanyang bagong posisyon bilang solon, dahil…

Bagama’t nanumpa na sa House of Representatives, ibinahagi ng bagong party-list congressman Erwin Tulfo na may limitasyon lamang umano siya sa kanyang bagong posisyon.

Paliwanag ng dating social welfare and development chief, na ito ay dahil sa impending motion of reconsideration (MR) kaugnay sa disqualification case na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Tulfo, hindi pa umano siya maaring makaboto o makadalo sa House sessions o committee hearings.

Pero sinabi naman nito na sa pagresume ng sesyon sa July 24 o sa State of the Nation Address (SONA), sa oras na maresolba na ang MR ay maari na siyang makilahok sa ibang trabaho sa Kamara. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *