Marcos, muling tiniyak na hindi gagamitin ang pension funds ng GSIS, SSS sa seed ng MIF

Muling pinawi ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangamba ng mga Pilipino na magagamit ang kanilang pondong inilaan sa mga state pensioners na SSS at GSIS sa isinusulong nilang Maharlika Investment Fund.

Ito ay makaraang makalusot na sa Senado ang kanilang bersyon, kung saan ipinagbabawal na ang SSS at GSIS funds sa seed nito na inaprubahan na rin ng House contingent sa kanilang BiCam.

Ayon kay Marcos, hinding-hindi raw ito gagamitin at pakikialaman sa ilalim ng naturang pondo.

Sa kabila niyan, sakali man daw makita na magandang i-invest ang pension funds, ipauubaya na raw nila sa board ang desisyon para rito. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *