Estudyante mula sa SSU, pasok sa Top 7 sa March 2023 LET

Napabilang sa Top 7 ng March 2023 Licensure Examination for Professional Teachers Secondary Level ang isang estudyante mula sa Sorsogon State University.

Kinilala itong si Arlene Galoso Furing, kung saan nakakuha ito ng average rating na 91.60% sa nasabing pagsusulit.

Ilan pa sa mga nakapantay ni Furing sa nasabing spot ang mga estudyante mula sa Philippine Normal University Manila, Philippine Normal University Mindanao, University of Mindanao Davao City, Pangasinan State University sa Bayambang, Notredame of Marbel University, at Don Mariano Marcos Memorial State University San Fernando.

Estudyante naman mula sa University of Mindanao sa Davao City ang nakakuha ng Top 1 sa average rating na 93.40%.

Samantala, ang kabuuang performance rating ng SorSU – Sorsogon City Campus para sa elementary level ay 91.30%, habang 73.16% naman sa secondary level na parehong lagpas sa 40.76% at 46.94% national passing percentage.

Bukod dito, nakakuha din ang unibersidad ng 97.47% passing percentage para sa elementarya sa mga first-time taker examinees habang 86.89% naman sa secondary level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *