Executive Dept, handang tumugon sa petisyon hinggil sa P449.50B na unprogrammed funds

Handang sumagot ang Executive Department nang naaayon sa kinakailangan ng Korte Suprema.

Ito ang tugon ni Presidential Communications Office o PCO Secretary Cheloy Garafil, kasunod ng inihaing petisyon nina Representative Edcel Lagman, Gabriel Bordado at Mujib Hataman.

Kinukwestyon kasi ng minorya ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan, ang constitutionality ng 449.50 billion pesos na unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Hiling ng mga nabanggit na mambabatas sa Supreme Court na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para pigilan ang pagpapalabas ng pondo.

Kabilang naman sa mga respondent sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah Pangandaman at National Treasurer Rosalia de Leon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *