Expanded COVID ward itinayo sa harapan ng CNPH para sa mga magpopositibo sa Rapid Antigen test na kailangang i- confine

CAMARINES NORTE- Nagpatayo ng expanded COVID ward ang Provincial Health Office sa harapan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) upang mag- accommodate ng karagdagang pasyente.

Ayon kay  Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, galing umano ang pondo sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Bahagi umano ito ng stratehiya at pagpaplano ng ospital makaraang mapuno ito noong nakatalikod na mga araw dahil sa paglobo ng mga naitatakang kaso ng COVID- 19.

Gayunman aminado si Francisco na kulang sila ng tao na magpapatakbo sa naturang pasilidad.

Ang bawat kwarto ng expanded COVID ward ay mayroong, kama, electric fan, ceiling fan at exhaust fan at mayroon ding banyo.

Mayroon ding ilalagay na tig- iisang oxygen sa bawat kwarto.

Dadalhin sa expanded covid ward  ang mga magpopositibo sa Rapid Antigen test na kailangang i- confine sa ospital.

Hinimok din na Francisco ang mga Local Government Units na gayahin ang pasilidad kung sakaling magpapatayo ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *