Food security at de-kalidad na mga gamot, ipinanawagan ni Marcos sa mga ASEAN Leaders

Pagpapahusay sa Asean Plus Three Emergency Rice Reserve , iminungkahi ng Pangulo

Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapahusay pa sa Asean Plus Three Emergency Rice Reserve.

Ang APT Emergency Rice Reserve o APTERR ay panrehiyong kooperasyon na itinatag sa ilalim ng APTERR Agreement.

Pangunahing layunin nito ang pagpapalakas ng food security, poverty alleviation, at malnourishment eradication.

Sa 25th ASEAN Plus Three Summit ngayong araw, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang kahandaang makipagtulungan sa Work Plan 2023-2027 at aktibong makilahok sa APT Emergency Rice Reserve.

Nanawagan din ang Pangulo para sa pagpapabuti pa ng connectivity at pagpapalawak ng partnerships sa digital domain.
#

Pagkakaroon ng mura at de-kalidad na mga gamot, ipinanawagan ni Pangulong Bongbong Marcos sa India

Ipinanawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa India ang pagpapabuti pa ng mga hakbang nito para sa kalusugan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mura at de-kalidad na mga gamot.

Kasama ang iba pang mga kinatawan ng ASEAN, lumahok si Pangulong Marcos sa ika-19 na ASEAN-India Summit na ipinagdiriwang rin ang ika-30 na anibersaryo ng ASEAN-India Dialogue relations.

Hinikayat rin ng Pangulo ang ASEAN na makipagtulungan sa India bilang tinaguriang pharmacy of the world upang matiyak na ang rehiyon sa Timog Silangang Asya ay may access sa abot-kaya at mataas na kalidad ng mga gamot at bakuna.

Positibo rin ang Pangulo sa kooperasyon ng ASEAN at India sa implementasyon ng ASEAN Multi-sectoral Framework on Climate Change, Agriculture and Forestry contributing to Food Security and Sustainable Development Goals bilang bahagi ng ASEAN-India Plan of Action for 2021-2025.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *