Dr. Fortun: dose-dosenang mga unclaimed na bangkay mula sa Bilibid, ‘mummified na’

Kinuwestyon ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang mahigit sa isang daang mga bangkay mula sa New Bilibid Prison na hanggang ngayon ay hindi pa rin nake-claim ng mga kaanak.

Sa isang panayam, sinabi ni Fortun na hindi raw magandang record sa isang correctional instution ang pagkakaroon ng mahigit sa 160 na mga bangkay ng mga persons deprived of liberty.

Idiniin din niya na hindi man lang daw nabigyan ng dignidad ang mga labi ng mga PDLs.

Inaasahan naman aniyang sa susunod na linggo ay mauumpisahan na ang autopsy sa mahigit 50 mga bangkay na na-stuck sa isang funeral home.

Hindi pa naman tiyak kung maaari pang ma-examin ang natitirang mga labi dahil ‘mummified’ na raw ito at tuyot-tuyot na.

Matatandaaang ipinag-utos ni Justice Secretary Boying Remulla ang autopsy sa higit isang-daang mga labi ng PDLs na natambak sa Eastern Funeral Services.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *