Fuel calibration, itinuro sa LGUs; “under delivered” na produktong petrolyo, nais maiwasan- DOE

Nagsagawa ng Calibration training ang Oil Industry Management Bureau ng Deparment of Energy sa mga gasoline station sa Puerto Princesa City mula kahapon, ika- 5 ng Oktubre 2022.

Ayon kay Asst. Director Rodela Romero ng OIMB, sinanay dito ang City at Municipal Treasurers para mabantayan ang kalidad at tamang dami ng liquid fuel na inilalabas sa Dispensing Pump.

Ang actual calibration ay kasunod ng unang pag-inspeksyon noong buwan ng Abril ng Bureau sa 104 gas station sa lalawigan.

Sa naturang bilang, mahigit 90% ang hindi agad naisyuhan ng Certificate of Compliance for Gas Station ng DOE kaya nagrekomenda ang Bureau para makakuha ng kinakailangang permit.

Napag-alaman din na may apat na gas station ang nagkaroon ng “under delivered” o hindi eksakto ang naibigay sa consumer na petrolyo noong Abril kaya inisyuhan ito ng ‘out of order’.

Paliwanag ng mga may-ari sa DOE, may pagkakataon talagang “technical discrepancy” dahil sa luma na umano ang pump ng gas station na dapat aniyang regular na nasusuri.

Sa pamamagitan ng actual calibration training sa Local Government Units ay mabibigyan ng parehong proteksyon ang Oil dealers at consumers para matiyak ang maayos na serbisyo, ayon kay Asst. Director Rodela Romero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *