“Kapulisan sa mata ng kabataan” ng Tumauini PNP, matagumpay na isinagawa

Tagumpay na natapos ang aktibidad na may temang,”Kapulisan sa Mata ng Kabataan” na pinangunahan ng kapulisan ng Tumauini na ginanap sa Community Center, Brgy District 2, Tumauini Isabela.

Nagtagisan ng talino ang mga high school students mula sa Tumauini Isabela sa essay writing, photo caption, at story telling na nakapokus sa nasabing tema ng aktibidad.

Kampeon ang Lalaunan High School, first runner up ang Fermeldy National High School at 2nd runner-up naman ang Advance Montesorri Educational Center Isabela.

Layunin ng naturang aktibidad na mas mapagtibay ang ugnayang pulisya at komunidad lalong lalo na ang mga kabataan na siyang madalas biktima ng mga makakaliwang grupo.

Ang “KAPULISAN SA MATA NG KABATAAN” ay pinamunuan ni PMAJ. Charles B Cariño, Acop kasama si PLTCOL MICHAEL A AYDOC, DepEd North at South District, Lanna National High School at Youth Sector Committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *