Gilas Pilipinas, sasailalim sa non-stop training sa loob ng tatlong buwan

Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa non-stop training sa loob ng tatlong buwan para sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Tim Cone, alam niyang gagawin ng Pilipinas ang ‘best foot forward’ nito habang isinasagawa ng preparasyon ng naturang koponan para sa nasabing laro.

Makakasama ni Cone sa national men’s basketball team coaching staff sina Nenad Vucinic, Jong Uichico at UAAP champion coach na si Goldwyn Monteverde.

Samantala, all-out support naman ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Gilas Pilipinas para sa laro nito sa FIBA. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.