Ginang nalunok ang wireless earphone, imbis na ang kaniyang vitamins

Isang ginang kamakailan ang nag-viral sa kaniyang video dahil sa kuwento nito na nalunok nito ang isang wireless earphone.

Nabigla mismo si Tanna Barker, 52-anyos dahil sa napakalaking pagkakamaling nagawa niya nang inakalang vitamins ang kaniyang nainom kasabay ng pag-inom ng tubig.

Napansin niya na umano na mabagal ang pagbaba sa kaniyang lalamunan ng inakala niyang vitamins.

Ngunit, pakauwi niya, naisipan niyang gamitin ang kaniyang wireless earphone na hiniram niya pa sa kaniyang mister.

Ngunit, ang kaniyang nakita ay ang vitamins na dapat ay nainom niya na kanina pa.

Agad namang nagpakonsulta si Barker sa doktor, ngunit sinabi nito na antayin na niya lamang na idumi ito.

Buti na lamang ay isang piraso lamang ang kaniyang nalunok dahil kung dalawa ay delikado umano ito dahil sa magnetic reaction at kailangan umano na siya’y maoperahan.

Kalauna’y nagbahagi na muli si Barker ng video na naidumi na umano niya ang nasabing earphone.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *