Go: Makatutulong ang mandatory ROTC para mailayo sa iligal na droga ang kabataan

Naniniwala si Senator Christopher “Bong” Go na malaki ang mai-aambag ng panukalang pagbabalik sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) hindi lang sa national security kundi pati na rin sa oras ng sakuna at crisis situation.

Paliwanag ni Go suportado niya ang naturang panukala dahil mas matuturuan ang ating mga kabataan ng importansiya ng bayanihan, pagmamahal sa bayan, disiplina, at patriotismo.

Makakatulong din umano ito na mailayo ang mga kabataan sa iligal na droga at kriminalidad.

Pabor din ang senador na sumali ang mga kababaihan sa ROTC kung physically fit naman ito para sa programa.

Sa huli hinimok ni Go ang kanyang kapwa mga mambabatas na pag-aralan mabuti ang pagbabalik ng ROTC sa mga paaralan matapos itong i-abolish ng kongreso noong 2002 dahil sa mga isyu ng hazing, pang-aabuso, kurapsiyon at iba pang iregularidad.

Matatandaan sa unang State of the Nation Address, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kongreso na gumawa at maghain ng panukalang muling nag-uutos na dumaan sa ROTC ang lahat ng senior high school students sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *