Go, pinuri ang pagkaka-apruba sa fund release para sa health workers’ SRA

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagkakaapruba sa pagpapalabas sa P9.02 billion na halaga ng pondo para sa COVID-19 special risk allowance (SRA) para sa mga frontline health workers, ilang araw lang matapos na matanggap ng Department of Budget and Management received ang request mula sa Department of Health noong June 23.

“Nitong mga nakaraang araw, nananawagan ako sa DBM at DOH na ‘wag niyo na tagalan. Pinaghirapan namin ‘yan sa Kongreso para maipasa namin ‘to in record time. Nag-overtime kami para makapaglaan tayo ng pondo sa Bayanihan 1 at 2 … Bilisan niyo na kasi marami ang nag-aantay sa mga benefits na iyan,” saad ni Go.

”Apela ko sa DOH, ‘wag niyong tagalan ito sa inyong mga lamesa at i-release niyo na (ang SRA) sa mga health workers. Nung nakaraang taon, mayro’ng pabagal-bagal diyan sa DOH at hindi ni-release in time ang assistance para sa mga namatayan. Nagsalita ako at suspendido sila ng amin na buwan kaya ‘wag niyo patagalin sa opisina niyo … ibigay niyo sa ating health workers what is due to them immediately,” pagpapatuloy nito.

Ayon naman sa DBM, ang lahat ng public at private health workers na direktang nag-aalaga at may contact sa mga COVID-19 patients ay makakatanggap ng SRA na hindi lalampas ng P5,000 bawat buwan.

Ang allowance ay pro-rated batay sa bilang ng araw na nagtrabaho ang health workers mula noong December 20, 2020 hanggang June 30, 2021, alinsunod sa Administrative Order No. 42 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 1.

Ayon kay Go, ang SRA ay magsisilbing pagkilala sa heroic at invaluable contributions ng mga health workers at mabawasan ang kanilang physical discomfort, distress, maging ang panganib na may kaugnayan sa performance ng kanilang trabaho.

Samantala, binigyang diin naman ng senador na patuloy niyang imomonitor ang proper implementation ng mga batas at pag-gamit ng public funds lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *