Go, pinuri ang pagsisimula ng vaccine roll-out para sa A4 category

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsusumikap ng gobyerno na mapabilis ang vaccine program, matapos na opisyal nang buksan ang pagbabakuna sa mga eligible economic frontliners na mula sa A4 priority group.

Ayon kay Go, on track ang bansa na muling buksan ang ekonomiya kasabay ng pagpapasalamat sa mga kinauukulan dahil sa pagtugon sa panawagan na bilisan ang roll-out at lawakan ang inclusion sa criteria para sa A4 priority group.

Sa gitna nito, nakiusap ang senador sa mga pasok sa priority sectors, na bagama’t hindi mapipilit ang mga ito na magpabakuna, ay magtiwala sa COVID vaccines dahil kapakanan ng bawat isa ang inuuna ng gobyerno.

Pinaalalahanan naman ng chairman ng Senate Committee on Health ang mga otoridad na laging iprayuridad sa pagbabakuna ang medical frontliners, senior citizens at mga taong may comorbidities.

“Huwag nating kalimutan ang pagbakuna sa mga natitirang A1 to A3 … ang importante ay walang masayang na bakuna at walang masayang na panahon upang mas mabilis nating marating ang herd immunity sa ating community. Iyan ang target natin ngayong taong ito, ang ma-achieve natin ang herd immunity at hindi na kumalat ang sakit na COVID-19,” apela ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *