Gov. Ron DeSantis ng Florida, tatakbo sa pagka pangulo ng U.S

MADARAGDAGAN ang bilang ng mga kakandidato para sa Presidential Election sa Estados Unidos sa susunod na taon.

Ito ay matapos maghain ng kandidatura at pormal na i-anunsyo ni Florida Governor Ron DeSantis ang pagtakbo sa pagkapangulo ng U.S.

Sa pamamagitan ng social media app na Twitter, inanunsyo ng opisyal ang kanyang pagtakbo at sinabing “I’m running for president to lead our Great American Comeback,” 

Nag file nitong Miyerkules ng kanyang kandidatura sa Federal Election Commission si DeSantis matapos ang ilang buwang espekulasyon ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo makaraaang manalo bilang Governor ng Florida noong November 2020.

Mahigpit siya ngayon na magiging kalaban nina U.S Pres. Joe Biden ng Democrats at former U.S President Donald Trump na kapwa niya naman Republican.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *