Gov. Tamayo, naniniwala na kasabwat ang mga guwardiya sa pagpapapasok ng illegal drugs sa provincial jail

KORONADAL CITY- NANINIWALA si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na kasabwat ang mga guwardiya ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) sa pagpapapasok ng ilegal na droga dito.

Ito ang inihayag ng gobernador matapos na may nagpositibo na naman na mga inmates sa isinagawang random drug testing kamakailan lamang.

Ngunit ayon kay Tamayo na wala pa itong sapat na ebidensya na magpapatunay sa involvement ng mga guwardiya.

Napag-alaman na nagdeploy na ang gobernador ng mga tao sa loob ng bilangguan upang mag-monitor sa galaw ng mga jail guards at pinasiguro na mananagot ang mga responsable.

Samantala, dadagdagan naman ang mga CCTV cameras sa provincial jail upang mas mapaigting pa ang pagbabantay sa naturang pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *