Gov. Tamayo, walang sama ng loob sa pag-alis sa partido ni Congressman Miguel

KORONADAL CITY- WALANG sama ng loob si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa paglipat ng partido ni 2nd District Representantive Peter Miguel.

Kamakailan lamang, umalis si Miguel sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Governor Tamayo bilang National President, at lumipat sa Lakas-CMD party na pinamumunuan naman ni House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa gobernador na nagpaalam sa kanya ng maayos si Congressman Miguel at wala din naman umano itong problema dahil bahagi lamang aniya ito ng political maturity.

Ngunit nilinaw ni Tamayo na nananatili ang pagkakaibigan at alyansa nila ng kongresista kahit hindi na ang mga ito magka-partido.

Ayon sa opisyal na kung may umalis man sa partido, marami naman aniyang mga opisyal, gobernador, mayor at iba pa na nakatakdang lumipat at manumpa sa PFP.

Una ng inihayag ni Miguel na ang kanyang paglipat sa Lakas-CMD ay isang hakbang lamang upang mas mapalakas pa nito ang kanyang mga programa at magkaroon ng suporta sa mga bill na isinusulong nito sa Kongreso para sa segundo distrito ng South Cotabato dahil kapartido na nito si House Speaker Romualdez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *