Government Employee ng City of San Fernando, Pampanga binigyan ng murang pabahay

Nakita ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHUSD ang kahandaan at sinseridad ng Local Government ng City of San Fernando na mabigyan ng disenteng pabahay ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay DHUSD Secretary Eduardo Del Rosario, lumapit ang mga opisyales ng lungsod sa kanilang ahensya kaya dito napili na itayo ang pinaka unang pabahay na kanilang proyekto.

Mayroon umanong inilaaan na 937 na units para sa mga empleyado ng City Government ng San Fernando na nagkakahalaga ng higit 640 thousand pesos na maaari nilang bayaran sa loob ng 20 to 30 years.

Sa loob ng nasabing panahon magbabayad ang mga benipisaryo ng 1,500 hanggang 2,000 pesos.

Ang bawat unit ay may two bedrooms, living room area, kusina at banyo na may sukat na 42 square meters.

Plano rin magtayo ng paaralan at covered court na malapit sa mga bahay.

Samantala, nakatakdang rin itayo dito ang regional office ng Social Housing Finance Corporation o SHFC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *