Konstruksyon ng PNR-Clark Phase 2, puspusan

Puspusan at walang-patid ang pag-arangkada ng konstruksyon para sa PNR Clark Phase 2 o Malolos-Clark, na bahagi ng North-South Commuter Railway o NSCR Project.

May habang 53-km, ang rail segment na ito ay mayroong anim na istasyon: Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, at Clark International Airport.

Sa oras na ito ay maging operational, ang biyahe sa pagitan ng Malolos at Clark ay magiging 30-35 minuto na lamang mula sa orihinal na dalawang oras.

Habang aabot naman sa 55 minuto na lang ang biyahe mula Clark International Airport patungong Makati, mula sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras.

Samantala, tampok din  sa rail segment na ito ang kauna-unahang Airpoort Express ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *