Gov’t officials – nakiisa sa paggunita ng 159th birth anniversary ni Andres Bonifacio

Inanyayaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na kilalanin ang kabayanihan ni gat Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagiging ‘best version’ o ang pinakamahusay na uri ng ating mga sarili.

Sa talumpati ng Pangulo sa pangunguna nito ng paggunita ng Ika-159 na birth anniversary ni Bonifacio sa Caloocan City, hinikayat niya ang publiko na tularan ang karakter ni Bonifacio para sa mas magandang kinabukasan ng Pilipinas.

Aniya, hindi lamang ang pamumuno ni Bonifacio sa rebolusyon ang dapat kilalanin ng mga Pilipino, kundi gayundin ang hindi matatawarang tapang nito at pagmamahal sa bayan.

Idiniin din ng Pangulo na dapat ay maging ‘dutiful’ at ‘law-abiding’ citizens ang mga Pilipino.

Dagdag pa ni Marcos, bagamat tinatamasa na natin ang demokrasya dahil sa sarkipisyo ng ating mga bayani – dapat ay manatili pa rin tayong ‘vigilant’ laban sa iba’t ibang mga suliranin sa lipunan na nagiging banta para sa ating kalayaan.

Sa huli, binigyang pagkilala rin ng Pangulo ang mga ambag ng mga itinuturing na ‘modern-day heroes’ kabilang na ang mga healthcare frontliners, mga overseas Filipino workers, at mga law enforcers.
#

Vice President Sara Duterte, hinikayat ang mga Pilipino na ituloy ang pagiging makabayan na inumpisahan ni Andres Bonifacio

Nagpahayag ng pag-asa si Vice President Sara Duterte kasabay ng paggunita sa 159th birth anniversary ni Gat Andress Bonifacio.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng bise presidente ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan, at kung paano ito magiging inspirasyon sa pagkakaisa ng bansa habang may hinaharap na pagsubok.

Kaugnay nito, hiling ni Duterte na mapagtanto ng mga Pilipino na may iisahang hangarin ang bansa para mas mabuting buhay para sa lahat.

Dagdag pa niya, nawa ang pag-alab na sinimulan ni Bonifacio sa ngalan ng kalayaan ay magdulot ng ‘sense of patriotism’ o pagiging makabayan nating mga Pilipino.
#

Romualdez sa mga Pilipino – makiisa sa ‘nation-building’

Ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na dapat turalan ng mg Pilipino ang kabayanihan ng Father of the Philippine Revolution at ang mga naiambag nito sa nation-building.

Ang pahayag na ito ay kaugnay ng tema ng ika-159 na anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio na “Araw ni Bonifacio 2022: Kabayanihan at Pagtindig sa Makabagong Panahon.”

Ayon kay Romualdez, kinikilala nila ang sakripisyo ng mga bayani na magiting na ginampanan ang kanilang tungkulin at nakapagbigay ng contributions sa nation-building.

Huling mensahe ni Romualdez na gaya ni Bonifacio at ng iba pang mga ninuno, magkaisa ang mga Pilipino sa pagharap ng mga pagsubok, gayundin sa pagbangon para sa bansa
#

Department of National Defense, umaasang magiging solidong halimbawa ang katapangan ni Bonifacio para labanan ang mga banta laban sa kapayapaan

Kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day – binigyang-diin ng Department of Defense (DND) na sa panahon ngayon kailangang katawanin ng bansa ang ipinakitang integridad, husay, at kagitingan ni Andres Bonifacio.

Sa isang pahayag ni DND officer-in-charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., sinabi niyang ikinararangal at tinutularan nila ang ipinakitang kabayanihan ni Bonifacio sa kabila ng kahirapan na hinaharap ng mga tao sa kasalukuyan.

Ayon kay Faustino ang hindi matatawaran na kabayanihan ni Bonifacio ay patuloy na magiging inspirasyon sa henerasyon ngayon at ng mga susunod pang taon.

Inalala rin niya ang katapangan ng bayani gayundin ang isinulat nitong Katipunan Decalogue o ang mga tungkulin ng katipunero na nagsilbing gabay sa pakikipagdigmaan ng Katipunan noong panahon ng colonial rule.

Sa huli, sinabi ng DND official na ang tunay na ikatutuwa at ikararangal ng isang tao ay ang paggawa ng sakripisyo para sa kabutihan at kaligtasan ng bayan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *