Groom na mahina sa Math, iniwan ng bride!

Hindi nagdalawang isip ang isang bride sa India na mag-walk out sa kanyang kasal matapos na hindi makarecite ang groom sa simpleng multiplication table by 2.

Ayon sa report, bago ang kasal nagduda na umano ang hindi pinangalanan bride sa educational background ng kanyang sanang makakapareha habambuhay.

Ang pinsan umano ng bride ang nagsabing hindi inilahad ng pamilya ng groom kung saan ito nag-aral.

Dahil dito sa araw ng kasal tinanong umano ng babae ang kanyang mapapangasawa na i-recite ang multiplication table by 2 subalit hindi umano ito nakasagot.

“The groom’s family had kept us in the dark about his education. He may not have even gone to school. The groom’s family had cheated us. But my brave sister walked out without fearing social taboo,” ayon sa bride.

Nabatid na marami pa ring kaso ng arranged marriage ang nagaganap sa India.

Noong 2015, may nag-walk out din na bride sa naturang bansa matapos na sumagot ang groom ng 17 sa tanong na 15+6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *