Grupo ng mga truckers, umapela sa maayos na implementation ng pag-suspend sa pass-through fee

Umapela ang ilang grupo ng mga truckers na sana raw ay naipatupad naman nang maayos ang pagsu-suspinde sa pass-through fee ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines o CTAP president Mary Zapata – malaking hamon daw kasi ang gagawing impelementasyon dito ng iba’t ibang mga LGUs.

Aniya, may kaniya-kaniyang mga ordinansa ang bawat lokal na pamahalaan kaya naman baka iba-iba rin ang gagawin nitong paniningil.

Sa katunayan, matagal na raw itong isyu kahit na noong panahon pa ng mga dating Interior secretaries kabilang na si dating Sec. Jesse Robredo.

Rice retailers group naman – wi-nelcome ang direktiba ng Pangulo

Naniniwala naman ang grupo ng mga rice retailiers na malaking tulong ang ginawang suspension ng Pangulo.

Sabi ni Grains Retailers’ Confederation of the Philippines, Inc. (GRECON) spokesperson Orly Manuntag – malaking ginhawa ito lalo na sa pagpapababa ng kanilang mga logistical costs.

Lahat daw kasi ng lebel ng industriya ng pagsasaka – mula sa farmers hanggang sa retailers ay mayroong mga gastusin para sa logistics.

Dahil daw mawawala na ang babayaran sa bawat areas – tiyak daw na mababawasan din ang kanilang gagastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *