Guidelines para sa mga dadalo sa panunumpa ni President-elect Marcos sa June 30, inilabas na

Tiniyak ng mga kapulisan na hindi pa rin ito magpapaka-kumpiyansa sa ipatutupad na seguridad sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa National Museum sa June 30.

Ito ay kahit na wala pa ring namomonitor na seryosong banta ang mga otoridad – maliban na lamang sa mga unang napabalita na ‘di umano’y planong panggugulo at pamamahiya sa susunod na administrasyon, pati na rin ang mga kasadong rally sa araw ng inagurasyon ni Marcos.

Ayon kay Manila Police District chief Brig. Gen. Leo Francisco, handang-handa na ang puwersa ng MPD; at iba pang sangay ng mga security agencies ng gobyerno para masigurong mapayapang maidaraos ang oath-taking ng susunod na Pangulo.

Kaugnay nito, inilabas naman na ng mga otoridad ang guidelines para sa mga dadalo sa mga kaganapan sa panunumpa ni Marcos.

Sa pahayag mula sa Malaca├▒ang, kinakailangang fully vaccinated na ang mga guests at mga magco-cover sa inauguration ng incoming president.

Para sa mga nakapagpa-booster shot na, papayagan na ang negatibong antigen test result; pero para sa mga wala pang booster dose, kinakailangan pang magpa-RT PCR test nang hindi bababa sa dalawang araw bago ang event.

Iiwasan din umano na magkaroon ng convoy sa sasakyan ni Marcos kaya naman ang mga media na magcocover sa Palasyo ay hindi maaaring lumipat sa National Musuem vice versa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.