Joint exploration ng Pilipinas at China, pinatuldukan na ni Pangulong Duterte

Winakasan na ng Pilipinas ang usapan nito kasama ang China para sa isa sanang joint energy project sa West Philippine Sea.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang mga negosasyon para sa joint oil and gas development project sa mga pinagaagawang teritoryo.

Ayon kay Locsin, tatlong taon na ang nakalipas mula nang lagdaan ang agreement sa pagitan ng Manila at Beijing ngunit wala itong nakamit na maayos na objective.

Sa ngayon aniya, ipauubaya na sa susunod na administrasyon para akuin ang responsibilidad sa pagpo-protekta ng soberanya ng Pilipinas.

Giit ng Kalihim – ‘hindi option’ ang pagsusuko ng kahit na kakarampot na teritoryo ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.