Habagat magpapa-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Western Mindanao ngayong araw

Makakaapekto ngayong araw ang Southwest Monsoon sa Southern Luzon, Visayas, at kanlurang bahagi ng Mindanao.

Ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Aklan, Antique, Negros Occidental, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Huli naman namataan ang active tropical cyclone na ‘Nananmadol’ sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa layong 1,850 km silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas na 95 km/h at pagbugsong papalo ng hanggang 115 km/h habang kimikilos kanlurang hilagang-kanluran sa  bilis na 15 km/h.

Wala naman umano itong direktong epekto sa bansa subalit paiigtingin nito ang habagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *