Lalaki  sa bayan ng Basud arestado matapos makuhaan ng baril nang silbihan ng search warrant ng PNP

CAMARINES NORTE- Kalaboso ang isang lalaki makaraang makuha sa kaniyang pag iingat ang baril na walang mga kaukulang dokumento.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas Judge Ivan D Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, tinungo ng mga kapulisan ang tahanan ng suspek na kinilala lang sa alyas na “Goyong” 54 anyos, may asawa at residente ng Sitio Del Carmen, Purok-2, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte.

Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang kalibre 45 pistol na walang trademark at serial number na may magazine na kargado ng limang pirasong bala.

Ginawa ang operasyon sa harap ng mga mandatory witness na kinabibilangan ng mga opisyal ng barangay at media.

Mahaharap si alyas Goyong sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act 2013 .

Nasa kustodiya na ito ngayon ng Basud MPS para sa kaulukang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *