Halfway out program, muling ipatutupad sa So.Cot

KORONADAL CITY- NAKIPAGPULONG na kamakailan lamang si South Cotabato Vice Governor Arthur Pingoy Jr sa mga kasapi ng Department of Justice at Department of the Interior and Local Government o DILG kaugnay sa isinusulong na ordinansa sa muling pagpapatupad ng Halfway Out Program.

Sa ilalim ng naturang programa, maglalaan ng pondo ang provincial government para sa bail o piyansa ng mga inmates na ang kaso ay nasa litigation process pa.

Inihayag ni Vice Governor Pingoy na layon nito na ma-decongest ang provincial jail mapabilis ang takbo hustisya at mapalakas ang partnership ng 5 pillars ng justice system, ang law enforcement, prosecution, courts, corrections, at komunidad.

Makakapasok sa programa ang mga inmates na may kasong bailable.

Ang bail amount ay hindi dapat lalagpas sa P 10,000 at handa ang mga inmates na lumagda sa waiver.
Ang inmate ay dapat hindi recidivist offender at may positibong resulta sa background investigation at psychological evaluation.

Hindi naman tatanggapin sa halfway out program ang mga may kasong may kaugnayan sa illegal drugs bilang pagrespeto sa war on drugs campaign ng gobyerno.

Napag-alaman ayon sa bise gobernador na limang mga PDL ang kanilang target na piyansahan sa buwan ng Disyembre at may 50 cases na ang mga ito na nasa priority list.

Ang pondo para dito ay magmumula sa Office of the Governor.

Ang halfway out program ay naipatupad na noong panahon na si Pingoy ang gobernador ng South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *