SOCOTECO 1, magtatayo ng substation sa Koronadal

KORONADAL CITY- TARGET ni South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 General Manager Engr. Raffee Edsel Epistola na makapagpatayo na ang mga ito ng substation sa Koronadal City.

Layon nito na matugunan ang pangangailangan sa power supply ng mga malalaking investors at kompanya na papasok sa lungsod.

Ayon kay Epistola na may kinokonsidera na silang mga lugar na pagtatayuan ng substation, isa sa Barangay Concepcion, at isa sa likod ng bodega ng ACE Commercial kung saan umaasa ang mga ito na makakakuha ng certificate interposing no objection.

Sa kasalukuyan, ang demand ng kuryente ng mga konsumedores ay nasa 60 megawatts, at ang naka-kontratang supply ng SOCOTECO 1 ay nasa 80 megawatts.

Sa pagdagdag ng substation, umaasa ang opisyal na mapapalakas nito ang power reliability ng kooperatiba at maiibsan ang systems loss.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *